panalangin
- emmanueliangarciae
- Sep 7, 2020
- 1 min read
ni Ian Garcia Luminario

Mata'y nakapikit
Nakatingala sa langit
Madilim na paningin
Malalalim na panalangin
Sinulat sa puso
Ginuhit sa buto
Nabubuong dibuho
Ng pag-asa sa Bukas ko
Huminga ng malalim
Magdasal ng taimtim
Makikinig ang langit
Sa lungkot ng pusong nakakapit
Comments