top of page

Alalahanin natin

  • emmanueliangarciae
  • Sep 9, 2020
  • 2 min read

Ni Ian Garcia Luminario


Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba nung normal pa ang lahat?

Naaalala mo pa ba yung mga yakap?

Naaalala mo pa yung “shake hands” sa tuwing makikipagkilala ka?

‘Yung holding hands?

Hawak mo yung kamay ng mahal mo, tapos nasa park kayo,

naglalakad habang nakatingin sa mga bituin sa langit.


Nangangarap.


Nangangarap na sana maging maganda ang bukas.

Nangangarap na sana bumuti ang lahat sa hinaharap ng isa’t isa.

Naaalala mo pa ba yung mga reunion at ayaan sa galaan ng tropa?

'Yun bang, “Wer na u? D2 na me! Arat na! Shot na!”

Tapos ikaw naman,

madaling madali habang kababangon pa lang sa kama at magrereply na “otw na”

Oo otw na, on the way hindi sa tagpuan kundi sa palikuran!

Awit! Joke time naman pala!

Naaalala mo ‘yung hitsura ng mall?

‘Yung dami ng tao lalo na kapag may sale o ‘di kaya payday?

Naaalala mo pa ba yung siksikan sa bus, LRT at MRT?

Eh si kuya na umakyat na sa lagayan ng mga bag sa bagon ng PNR?

Naaalala mo pa ba ‘yung blockbuster na pila sa mga sinehan?

Eh yung lamig, dilim at bulungan sa loob mismo ng sine?

Naaalala mo pa ba yung sama-samang breakfast, lunch o ‘di kaya’y merienda kasama ‘yung mga katrabaho mo?

Eh ‘yung company outing?

team building?

O kahit na ‘yung DIY trip lang na out of town? beach sa Batangas? Zambales? o bundok sa Tanay?

O ‘di kaya sa... Palawan!

International travel sa Japan?

Naaalala mo pa ba yung classroom niyo?

'Yung kaklase mong crush na crush mo?

Tapos dahil sinwerte ka sa seating arrangement, Ayun! Nakatabi mo pa!

Eh ‘yung teacher mong masungit?

Na lagi ka na lang sinasabihan nang “ayusin mo ‘yang upo mo! Wala ka sa bahay”.

‘Yung sabay-sabay na pagtayo ng klase pagkarinig ng bell?

‘Yung after class sesh sa better?

Beer garden?

Bellagio?

Taft?

O Timog?

Yeah sa Timog! Chillin sa Tides!

Eh ‘yung ingay at gulo sa mga concert at events?

‘Yung “bless you” ng katabi mo ‘pag bumahing ka?

Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba yung mga panahong ang isyu lang natin ay kung anong exchange gift ng JakBie?

O ‘di kaya kung sino ba talaga ang tatay ni Cassie?

Sino ba talaga ang gumahasa kay Romina?

Papaano mahihiwalay si Kara at si Mia?

Naaalala mo pa ba ‘yung mga simpleng balita?

‘Yung “showtime” sa TV at magandang buhay with our momshies?

Naaalala mo pa ba ‘yung ABS-CBN?

Eh ‘yung mga paborito mong news show sa GMA News TV?

‘Yung SONA ni Jessica Soho?

Quick Response Team ni Emil Sumangil?

Tapos ‘yung Balitanghali nina Connie Sison at Raffy Tima?

Eh yung mga liga sa barangay?

O kahit na nga yung ending ng mga laro sa NBA?

Lebron? Kobe pa rin ako!

Naaalala mo pa ba?

‘Yung mga akbay?

Mga matatamis na ngiti?

Hanggang alaala na lang ba?

Hanggang kailan kaya?

Babalik pa kaya?

Sana bumalik pa.

Gaya mo, umaasa rin ako.

Kahit na hindi na sa lahat.

Kahit doon na lang sa mga dati nang sa ati’y nakakapagpasaya

patuloy akong aasa.


Maghihintay.

Magtatanong pero hindi maiinip.

Magiisip pero hindi ipipilit.

Dahil alam kong ang mga nabanggit ko kanina?

Hindi nating hahayaang basta na lang maging alaala.



Babalik pa.

(C) larawang kuha ni Abigail Amon

Comentários


Post: Blog2 Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

09178910082

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram

©2020 by light bub. Proudly created with Wix.com

bottom of page