top of page

"Kailan ba tayo mas malakas?"

  • emmanueliangarciae
  • Sep 7, 2020
  • 3 min read



ree

Ni Ian Garcia Luminario

Kailan ba tayo mas malakas?

Kailan nga ba tayo mas malakas?

May nakapagsabi sa akin...

Kadalasan ang mga tanong ay higit na malakas

Kaysa sa mga sagot na iba-iba ang bumibigkas.

Kailan ba tayo mas malakas?

Kailan nga ba tayo mas malakas?

Wari mga payak na letra na sadya lang bumabaybay sa mga payak na salita.

Pero magugulat ka! Mabibigla ka! Sa kung papaanong and mga payak na letrang ito ay may kayang magawa

Higit sa inyong mahihinuha... Higit sa inyong maiisip

Lalong lalo na kung ito'y daragdagan

Lalong lalo na kung ito'y sasabayan

Kailan ba tayo mas malakas?

Kailan nga ba tayo mas malakas?

Sa patuloy ba nating pagkapit at pananatili?

O sa tuluyan nating pagbitaw at paglayo?

Sa tanong na ito

Sa dalawang pagpipiliang nabanggit ko

Alin kaya rito ang tama

Dahil maski ako, alam Kong ang dalawang ito ay totoo

May mga nagsasabi, na piliin natin ang pananatili

Na kahit tayo'y hindi pinili

Na kahit na palagi na tayong humihikbi

Ang mahalaga ay patuloy na kumakapit

Lumalaban kahit na masakit

Sumugal nang ‘di alintana kung sino man ang magalit

Dahil ang konsepto ng ‘di pagbitaw

Ay alinsunod sa konsepto ng ‘di pagsisisi

Hindi pagsisisi, dahil ginawa mo ang lahat

Hindi pagsisisi, dahil binigay mo ang lahat

Hindi pagsisisi, dahil higit sa lahat...

Kaya mong humarap at tumayo sa lahat

Sabihin, bigkasin ang mga salitang kasing lakas ng mga dagalak ng apoy

"HINDI AKO NAGKULANG!"

Oo, Hindi ako nagkulang

Oo, Hindi ako nagkulang

Nandito pa rin ako

Kahit ilang beses mo na akong pinalayo

Kahit ilang beses no na akong tinulak papalabas ng pinto

Nandito pa rin ako.

Naghihintay pa rin ako.

Kahit may bago ka nang sinasabihan ng "I love you"

Kahit may bago nang nagsasabi sayo ng "I miss you"

NAGHIHINTAY PA RIN AKO.

Oo, nandito pa rin ako.

Kahit na may iba nang yumayakap sayo.

Kahit may iba nang labi na dumadampi sa bibig mo.

Oo, nandito pa rin ako.

Patuloy na nasasaktan.

Ngunit patuloy pa ring lumalaban.

Dahil ang totoo, ‘di ko alam ang kasunod nito.

Dahil totoo, wala namang sigurado.

Kaya ako? Heto! Oo, nandito pa rin ako...

At muli't muli sasabihin ko

"HINDI AKO NAGKULANG"

Lalo na sa pagmamahal ko sa’yo.

Sa kabila naman nito ay ang konsepto ng paglayo

Ang konsepto nang tuluyang pagbitaw sa kung ano mang nararamdaman at hinahawakan mo.

May ibang nagsasabi na mas malakas ka.

Lalong lalo na sa pagpaparaya

Lalong lalo na sa pagiging masaya

Hindi para sayong sarili

Kundi para sa kanya.

Sabi nila ay mas malakas ka

Sabi nila ay mas malakas ka

Lalong lalo na kung ika'y magpapaubaya

Lalong lalo na kung hahayaan mo na siya

Sa patuloy niyang pagligaya

Hindi sa piling mo

Kundi sa piling ng iba.

Marahil hanggang doon lang talaga.

Marahil iyon lang talaga.

Dahil totoo. Totoong ang lahat ng bagay na ipinipilit ay masakit.

At ang sunod na tanong dito ay...

HANGGANG KAILAN KA MAGTITIIS?

Hanggang kailan mo iindahin ang sakit?

Hanggang kailan mo kakayaning makita siyang may kayakap na iba?

Hanggang kailan mo kakayaning makita siyang may kahalikang iba?

Hanggang kailan mo tatanggapin ang maya't mayang pagtataboy niya sayo?

Hanggang kailan mo maiintindihang Hindi siya sayo para ipaglaban mo?

Hanggang kailan ka magpapakatanga!?

Tangina!

Baguhin mo ang mga bagay na Hindi mo kayang matanggap.

Tanggapin mo ang mga bagay na Hindi mo mababago.

At totoo...

Siguro ang nararamdamdaman niya sayo

Ay may Marka na ng mga salitang...

"HANGGANG DITO"

At dahil diyan ang konsepto ng tuluyang pagbitaw

Ay ‘di lang dahil sa kagustuhan mong sumuko

Hindi lang dahil sa pagtanggap mo sa mga salitang "Hanggang dito"

Kundi dahil sa salitang "Pagsasakripisyo"

At kahit kailan man ay walang nagsasakripisyong Hindi tinawag na matapang.

Kahit kailan, walang nagsakripisyong Hindi rin nasaktan.

Kahit kailan, walang nagsakripisyong Hindi tinawag na malakas.

Pero siguro depende sa sitwasyon.

Depende sa lagay ng emosyon.

Pero kung ano pa man iyon

Ang mahalaga ay ang iyong desisyon.

Sa tanong na "kailan ba tayo mas malakas?"

Kailan nga ba tayo mas malakas?

Sa patuloy ba nating pagkapit at pananatili?

O sa tuluyan nating pagbitaw at paglayo?

Hanggang dito na lang siguro ang tulang ito.

Dahil ang susunod ay kung ano ang iisipin ninyo.

Recent Posts

See All

Kommentare


Post: Blog2 Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

09178910082

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram

©2020 by light bub. Proudly created with Wix.com

bottom of page