top of page

Bakit ba hindi tayo puwede?

  • emmanueliangarciae
  • Sep 7, 2020
  • 1 min read

Ni Ian Garcia Luminario

Bakit nga ba hindi tayo puwede?

Sa totoo lang hindi ko rin alam.

Hindi ko rin alam kung papaano sasagutin.

Gaya mo, nagtatanong din ako.

Pumipikit at sinisipat ang mga sulok sa utak ko.

Baka kasi roon,

Mahanap ko ang sagot.

Bakit nga ba hindi tayo puwede?

Gaya mo, malaya rin naman ako.

Gaya mo, naghahanap din ako.

Gaya mo, mag-isa rin ako.

Pero bukod sa mga ito,

Sigurado na ako.

Gaya mo, sigurado na akong ikaw ang hinahanap ko.

Bakit nga ba hindi tayo puwede?

Gayong napapasaya mo ako.

Gayong lagi kang handang makinig sa mga litanya, problema, mga walang katorya-toryang kuwento ko.

Gayong napapakalma mo ako.

Gayong gaya mo, nararamdaman kong mahalaga rin ako sa’yo.

Gayong gaya ko… alam kong mahal mo ako

Ano bang iniisip mo?

Ano bang iniisip ko?

Bakit sa kabila ng kasiguraduhan natin sa isa’t isa ay patuloy tayong nagdududa?

Bakit sa kabila ng tapang at tindi ng pagmamahal nating dalawa ay nawawalan tayo ng kumpiyansa?

Titigan mo ako.

Hawakan mo ang mga kamay ko.

Sabay tayo pumikit.

Sabay tayong lumapit…

Dahan-dahan nating ibulong sa isa’t isa…

“Mahal kita”

at sa kabila ng lahat ng takot at pagdududa,

sa kabila ng mga sasabihin ng iba,

sa kabila ng mga iniisip ng mga mapanghusgang mga mata.

“Mahal kita!”

At ‘yun lang sapat na.

Recent Posts

See All

Comentários


Post: Blog2 Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

09178910082

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • Instagram

©2020 by light bub. Proudly created with Wix.com

bottom of page